Eleazar: PNP at PDEA, bumubuo na ng mga panuntunan vs misencounter

Binubuo na ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang mga panuntunan para sa law enforcement operation, upang maiwasan ang mga misencounter.

Ito ay kasunod ng muntikang misencounter sa pagitan ng Quezon City lawmen at PDEA agents sa kalagitnaan ng anti-illegal drug operation noong Biyernes sa isang mall, na kalauna’y nakilala ang mga pulis bago pa man maiputok ang unang bala.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa ngayon, sinabi ni PNP chief General Guillermo Eleazar na nagkasundo ang dalawang law-enforcement groups na iiwasan ang “collision”, lalo na sa loob ng hurisdiksyon ng police station.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Maliban dito, tiniyak rin ng PNP chief na hindi mag-ooperate ang PDEA at PNP sa isang lugar.

Matatandaan na noong Pebrero, dalawang pulis, dalawang PDEA personnel at isang informant ang namatay sa shootout nang magkasagupa ang mga elemento ng QC police at PDEA agents sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. // MHEL PACIA