Camarines Norte bigong maabot ang target sa katatapos lang na NVD 4

CAMARINES NORTE- Hindi naabot ng Camarines Norte ang target na bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa katatapos lang na ika- apat na round ng National Vaccination Days.

Batay sa summary report ng Camarines Norte Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center para sa period na March 10- 17,  sa target na 9, 294 nasa 5, 031 ang nabakunahan o 54 percent.

Gayunman mataas ang bilang ng mga nabakunahan ng second dose na umabot sa 212 percent.

Sa target na  1, 131 nasa 2, 393 ang nabakunahan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Para naman sa primary dose ay nasa 88 percent ang nabakunahan.

Sa target na 2, 982 nasa 2, 621 ang nabigyan ng unang dose ng COVID- 19 vaccine.

Pero mababa ang bilang ng mga nabakunahan sa A2 Priority Group o Senior Citizen.

Sa target na 1, 851 nasa  228 lang ang nabakunahan o  12 percent.

Mababa rin ang bilang ng nabakunahan ng booster dose na nasa 8 percent lang.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa 6, 312 na target nasa 478 ang nabakunahan.

Pinakamataas ang porsiento ng mga nabakunahan sa bayan ng Vinzons na nasa 97 percent at Basud na mayroong 96 percent.

Habang ang pinakamababang porsiento ay ang bayan ng Labo na mayroong 18 percent.

Matatandaan na pinalawig ng DOH ang Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Days (NVD) 4 hanggang noong March 18.

Mula ito sa original schedule na March 10- 12, 2022.