Hindi na required ang mga turista na bibisita sa Zambales na magparehistro sa VIS.I.T.A system.
Ito ay base sa inanunsyo ng Zambales Tourism kahapon, araw ng Linggo kung saan simula rin kahapon ay hindi na rin kailangan ang QR Coded Travelers Pass o QTP kung pupunta ng probinsya.
Ayon kay Tourism Officer Maria Mora, bilang pagtalima sa mga kautusan ng Department of Tourism ay hinihikayat ang mga turista na mag-book sa mga DOT Accredited Establishment o kaya sa mga mayroong LGU Certificate of Local Compliance o LGU with Provisional Certificate of Compliance.
Kaugnay nito, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ay mayroong binuong Municipal Joint Inspection Team kung saan kasama dito ang mga Tourist Police na magmomonitor sa mga pasyalan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
