PGC labs sa Visayas at Mindanao handa na sa genome sequencing

Handa na ang satellite facilities ng University of the Philippines-Philippine Genome Center sa Visayas at Mindanao sa genome sequencing ng samples.

Ayon kay UP-PGC executive director Cynthia Saloma, nanatiling unpredictable ang mutations ng virus.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Aniya, kinakailangan ang genomic biosurveillance para makatulong sa pagpapanatili ng ating health system na handa sa anumang posibleng bagong variants at i-track ang behavior ng mga umiiral na virus ngayon.

Iginiit ni Saloma na suportado ito ngayon ng network ng PGC sa Luzon, at ngayon sa Visayas at Mindanao.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Inihayag naman ng Department of Health na nagawa na ng satellite facility sa Visayas na makapag-sequence ng mahigit 300 samples.