COOP sa Naga City, pinasok ng magnanakaw; Nasa P120K na cash natangay

NAGA CITY- Pinasok ng magnanakaw ng opisina ng San Isidro Development Cooperative  sa  J. Miranda avenue Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.

Pagbukas ng COOP na pinangangasiwaan ni Mark Henry Ecom, 36-anyos residente ng San Alfonso Pacol parehong lungsod nitong Lunes , nadiskobre ng empleyadong si Sheryl Plantado y Ramboyon na pinasok ang kanilang opisina ng hindi pa nakikilalang suspek.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Sinira ang pintuan sa likod ng nasabing opisina, binuksan ng suspek o mga suspek ang lahat ng drawer at cabinet.  Kinuha ang cash na humigit kumulang P 120,000.00,  tinangkaang buksan ang Volt Box ngunit hindi nagtagumpay.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Ang imbestigador ng Police Station 2, Naga kasama ang Theft and Robbery Unit ay agad pumunta sa nasabing lugar at nagsagawa ng operasyon para sa posibleng pagkakakilanlan sa responsable sa panloloob.