Gasolina, tumaas ng P7.10 kada litro at diesel ng P13.15

Asahan na ang malakihang price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes.

Ito na ang ika-11 sunod na linggo na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo habang pumapalo na sa P84.55 kada litro ang presyo ng langis sa ilang lugar sa buong bansa.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Sa advisory na inilabas ng Chevron Philippines Inc. (Caltex) ay sinabi nito na tataas ang kada litro ng gasoline ng P7.10, diesel ng P13.15, at kerosene ng P10.50.

I-implementa ng Cleanfuel ang parehong mga pagbabago maliban sa kerosene na hindi kabilang sa mga binebenta nito.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Magiging epektibo ang mga pagbabago ng alas-12:01 ng madaling araw para sa parehong Caltex at Cleanfuel, habang inaasahan naman na susunod ang iba pang kompanya.