29 na Pinoy sefarers, nakauwi na; Kabuoang dami ng repatriates, pumalo na sa 90

Matagumpay na nakauwi sa bansa ang 29 na karagdagang Pilipino mula sa Ukraine, na pawang mga seafarers, sa gitna ng nagaganap na Russian invasion doon.

Base sa tala ng Department of Foreign Affairs ay pumalo na sa 90 ang bilang ng mga Pilipino na sumailalim sa repatriation, kabilang na ang 55 seafarers.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Ayon sa DFA, dumating ang 29 nitong Miyerkules ng gabi, kasama na ang 20 tripulante ng MV Global Aglia, dalawa mula sa MV Joseph Schulte, at pito mula MV Star Helena.

Inihayag ng DFA na nakalabas sa Ukraine ang 29 na seafarers sa pamamagitan ng Moldova sa tulong ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau at ng Philippine Embassy sa Budapest.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Umaasa naman ang ahensya na mas darami pa ang seafarers na makauuwi sa bansa sa mga susunod na araw sa tulong ng evacuation at repatriation programs.