Bagyong Crising, humina na bilang LPA

Humina na bilang low pressure area ang weather system na dating bagyong Crising. 

Ayon sa PAGASA, patuloy na gagalaw pa kanluran o kanluran-hilagang kanluran ang LPA at makakarating sa Sulu Sea pagkatapos ng anim hanggang 12 oras. 

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Dahil dito, tinanggal na ang lahat ng topical cyclone wind signals sa bansa. 

Pero asahan ang mahina hanggang katamtaman at minsanang malakas na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Misamis Occidental.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing mga lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa oras ng malakas na pag-ulan lalo na sa mga mababang lugar.

Huling namataan ang LPA sa vicinity ng Piagapo, Lanao del Sur.