Eroplano ng Cebu Pacific, nawalan ng kontrol sa runway ng NAIA

Nawalan ng kontrol ang isang aircraft ng Cebu Pacific matapos nitong lumapag sa Manila nitong Martes.

Sa isang advisory, ay sinabi ng airlines na nagkaroon ng “slight runway excursion” ang CebGo flight DG 6112 Naga-Manila flight sa arrival nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA T3) bandang alas-11:45 ng umaga, Manila time.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na nakapag-deplane ng normal at walang injuries ang 42 pasahero at 4 na crew.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sinabi rin ng Cebu Pacific na patuloy ang kanilang pag-monitor sa mga pasahero.

Nangako rin ang airlines na maglalabas ito ng mga karagdagang impormasyon oras na maging available ito.