Paggawa at pagbenta ng empanada, pinagkaka-kitaan ngayon ng mga PDL sa Sto. Domingo District Jail sa Albay

BNFM BICOL—Pinagkaka kitaan na ngayon ng ilang mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa Sto. Domingo District Jail sa lalawigan ng Albay ang paggawa ng ‘special empanada.’

Sa isang panayam inihayag ni SJO2 Ma. Soccoro Balilo- Welfare and Development Officer ng nasabing piitan, habang nasa loob ng kulungan ay nagagawang magkaroon ng income ng kanilang mga PDL sa pamamagitan ng paggawa ng empanada.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kwento pa ng opisyal, isang PDL ang dating nag nenegosyo sa paggawa nito kung kaya’t tinuruan din nito ang kanyang mga kasamahan kaya’t umusbong ang ideya na gawin nila itong libangan sa loob upang matustusan din ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nagkakahalagang P15.00 ang isang piraso ng ‘special empanada’ na mabibili sa pamamagitan ng “pre-order” at pakikipag ugnayan sa Facebook page ng Sto. Domingo District Jail.###