Ilang mga resorts sa Naga City tuluyan nang binuksan muli

NAGA CITY – Tuluyan ng binuksan muli ang ilang mga resort owners sa Naga City para sa buong pamilya ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 sa lungsod na sa katunayan at Alert Level 1 na simula Marso 1, 2022.

Pwede na ang mga bata at magbabarkada ay puwedeng mag outing sa alin mang bukas na resorts sa upper barangay ng lungsod, sa buong maghapon lamang, bawal parin ang overnight.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ito ang kinumpirma sa Brigada News Fm Naga ni Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos na kung saan may tatlong resort sa kanyang sakop na lugar.

Ayon kay Kapitan Ramos, may mga regular na bantay naman ang mga resorts bukod pa sa ilang mga barangay tanod na inatasan nila, para narin sa seguridad ng mga ekskursiyonista. Required ang vaccination card sa mga pribadong resort.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa kanyang paglilibot sa mga resorts na ito, lagi niyang ipinaalala ang pagsunod parin sa minimum health protocol sa kabila ng halos wala ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kabilang sa protocol na ito ay ang social distancing at pagsuot ng face mask kung kinakailangan.