Dalawang fishing vessel na iligal na nangingisda gamit ang galadgad nahuli ng PNP Maritime malapit sa Canton Islands Mercedes

CAMARINES NORTE- Nahuli na rin sa wakas ng mga tauhan ng Camarines Norte Maritime police na nakabase sa bayan ng Mercedes ang dalawang commercial fishing vessel na nag-ooperate gamit ang galadgad sa territorial waters ng naturang bayan malapit sa Canton Island.

Ito’y matapos na magsagawa ng seaborne patrol ang maritime na pinangunahan ni PCPT Efren b. Oco kung saan matapos na mamataan ng mga crew ang papalapit na mga alagad ng batas ay nagtangka pa itong tumakas subalit nagawa itong mahabol at ma-corner.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Deputy Chief PLT Edwin Bautista tagapagsalita ng Camarines Norte Maritime Police natukoy na ang dalawang fishing vessel ay pagmamay-ari mismo ng isang residente ng bayan at mayorya ng mga crew nito ay mga residente rin ng bayan ng Mercedes.

Pagbibigay diin ni Bautista, mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa ilalim ng RA 10654 Section 95 ang paggamit ng galadgad sa karagatang nakapaloob sa municipal waters ng isang bayan, mga lawa at iba pang fishery management areas.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang mga kagamitan at fishing vessel ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng naturang himpilan habang mahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga crew at may-ari ng dalawang fishing vessel.