Putin tiniyak kay French President Macron na hindi sasakupin ng Russia ang Ukraine

Kinumpirma ni French President Emmanuel Macron na tiniyak sa kanya ni Russian President Vladimir Putin na hindi papainitin ng Russian forces ang sitwasyon sa Ukraine border.

Sinabi ni Macron na sinabi sa kanya ni Putin na walang “deterioration o escalation” sa sitwasyon.

Una nang itinanggi ng Russia na may plano silang sakupin ang Ukraine sa kabila ng pagdi-deploy ng 100,000 troops malapit sa border.

Matatandaan na nagsimula ang tensyon sa pagitan ng Russia, Ukraine at West matapos akusahan ng Moscow ang Ukrainian government na bigong ipatupad ang Minsk agreement na isang international deal na inisponsoran ng Germany at France pata maibalik ang kapayapaan sa east.

Si Macron ay nasa diplomatic tour kung saan ay dumating siya sa Ukrainian capital na Kyiv matapos ang pag-uusap nila ni Putin sa Moscow.