COVID-19 referral system nabawasan ang natatanggap na tawag

Inihayag ng COVID-19 referral system ng bansa na nakakatanggap na ito ng mas kaunting mga tawag kamakailan sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga impeksyon ng coronavirus sa Pilipinas.

Sinabi ni One Hospital Command Center (OHCC) Medical Officer Dr. Marylaine Padlan na nakakatanggap sila ng hindi bababa sa 200 hanggang 300 na tawag araw-araw.

Read More:  House prosecution team lists over 30 witnesses for Duterte impeachment trial

Di hamak na mas mababa sa humigit-kumulang 1,000 tawag na natatanggap nila noong kasagsasagan ng COVID-19 surge noong nakaraang buwan.

Read More:  Hontiveros denies flood control cover-up allegation

Ayon kay Padlan karamihan sa mga tawag na natatanggap nila ay mga request para sa isolation facilities at hospital admission.

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19, hinimok ni Padlan ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang mga health protocols.