Malacañang: Quarantine ni Duterte, tapos na

Kinumpirma ng Malacañang na tapos na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang quarantine, matapos ma-expose sa household staff na positibo sa COVID-19.

Noong nakaraang araw nang magbahagi si Sen. Bong Go ng selfie nila ni Duterte, na nasa isang sasakyan, kasama ang personal doctor ng pangulo.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Sinasabing nagpunta ng Cardinal Santos Medical Center ang pangulo para sa kanyang routine medical checkup.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Una nang sinabi ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na ang naturang exposure ay hindi naman maikokonsiderang close contact.

Sa ngayon, sinabi ng Palasyo ng maayos ang pangangatawan ng punong ehekutibo at nasa maayos itong kondisyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD