Banta ng Bird Flu, binabantayan ng DA Bicol

NAGA CITY—Binabantayan ngayon ng Department of Agriculture o DA-Bicol ang posibilidad na baka makapasok ang sakit na Bird Flu.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Emily Bordado, tagapagsalita ng DA-Bicol.

Aniya, kamakailan lang ay nadetect sa China ang Bird Flu kung saan sa ganitong panahon pumupunta sa ating bansa ang mga migratory birds na maaaring magdala ng avian virus sa mga wild at domesticated birds gaya ng mga manok.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Nagiging tourist attraction aniya ang pagdagsa ng mga migratory birds na aniya ay baka ito pa ang maging dahilan para mahawaan ng sakit ang ating poultry industry.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Sa ngayon wala pa naman naitatalang kaso ng Bird Flu sa lalawigan ng Camarines Sur subalit inabisuhan na aniya ng kagawaran ang lahat ng City at Municipal Agriculture Office sa probinsya ukol dito.