Janella Salvador, ibinunyag ang physical abuse sa nakaraang relasyon

Ibinunyag ni Janella Salvador na nakaranas umano siya ng physical abuse sa nakaraan niyang relasyon, na nagresulta umano ng trauma.

Bagama’t walang pinapangalanan, matatandaan na una nang sinabi ni Salvador na inabuso siya ng dating kasintahan na si Elmo Magalona, matapos umanong hampasin siya dahil sa kalasingan.

Read More:  Pokwang, Ruby Ruiz tie for Best Actress at Cinemalaya 2026

Kaugnay nito, iginiit ng aktres na napatawad na niya ito, sa kabila na walang closure na nangyari.

Read More:  Edward Barber is now engaged to non-showbiz partner

Sa gitna nito, sinabi ni Janella na may trauma siya sa mga lasing na lalaki dahil sa naturang insidente.

Sa huli, binigyang diin ni Salvador na hindi na niya hahayaan na abusuhin siyang muli.