6 provinces, naidagdag sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3

Itinaas sa Alert Level 3 ang anim na mga probinsya sa bansa, mula Jan 28 hanggang sa Feb. 15, dahil sa mataas na bilang sa kaso ng COVID-19.

Kabilang sa listahan ay ang Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi, at Sulu, na una nang nasa ilalim ng Alert Level 2.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kaugnay nito, pinapayagan naman ang intrazonal at interzonal travel sa ilalim ng Alert Level 3, pero subject sa restrictions na ipinapatupad ng mga local governments.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Sa gitna nito, ibinaba rin ang operasyon sa ilang mga establisyemento at tourist attractions sa 30% indoor at 50% outdoor capacity.

Hindi rin pinapayagan ang contact sports at entertainment activities, maging ang face-to-face o physical classes, maliban kung ito ay aprubado ng IATF. //MHEL PACIA-TRINIDAD