FDA, binigyan ng EUA ang isa pang molnupiravir brand para sa COVID

Binigyan ng Food and Administration ng emergency use authorization, ang pangatlong molnupiravir brand.

Ang Auxilto ay isusuplay ng German Quality Pharma sa Pilipinas, pero hindi pa ito maaring ibenta sa merkado.

Ayon sa FDA, tanging ang Department of Health o ang National Task Force Against COVID-19 ang susuplayan ng German Quality Pharma ng Auxilto, na siyang mga otorisadong ahensya na bumili ng naturang gamot.

Sinabi naman ng ahensya na ang recommended dose ay 800mg, na ibibigay sa pamamagitan ng oral, kada 12 oras sa loob ng limang araw.

Samantala, hindi ito inirerekomenda para sa mga babae na may childbearing potential, maging sa mga buntis at nagpapadede. //MHEL PACIA-TRINIDAD