Wala pang schedule sa cash assistance galing national-CSWD

Wala pa rin schedule ng pamamahagi ng cash assistance sa mga barangay sa Puerto Princesa, ayon sa City Social Welfare and Development Office.

Sa ipinadalang mensahe ni Lydia Del Rosario ng CSWD, sinabi nitong hanggang ngayon ay wala pa rin silang binigyan ng cash assistance na mula sa pondong inilabas ng Department of Budget and Management.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ito ay ang P81.7 milyon na magsisilbing cash assistance para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nakasaad sa guidelines na depende sa bilang ng miyembro ng pamilya ang maibibigay kung saan ang maximum ay P5, 000 piso.