Niratipikahan na ng Philippine Olympic Committee ang naunang desisyon ng kanilang executive board, na nagdedeklara kay Philip Ella Juico, presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association, bilang persona non grata.
Kaugnay nito, 54 ang kabuoang national sports associations ang dumalo sa General Assembly, kung saan 36 ang bomotong “yes” para sa naturang deklarasyon, kabilang na ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz at swimmer Jessie Lacuña, na mga kiatawan ng Athletes’ Commission.
Nasa 11 NSAs naman ang ikinokonsiderang “no vote”, na ibig sabihin hindi sila lumagda sa notion, habang lima ang tumutol sa mosyon.
Samantala, nag-abstain naman sina Mikee Cojuangco Jaworski, International Olympic Committee Representative to the Philippines, at ang NSAs for dancesports and netball.
