DOH nanawagan ng mga volunteers para sa COVID-19 vaccination drive ng mga bata

Nanawagan ang Department of Health (DOH) ng mga volunteers lalo na sa medical sectors para maging vaccinators sa nakatakdang vaccination drive sa mga batang may edad lima hangang labing-isang taong gulang.

Ayon kay DOH – Knowledge Management and Information Technology Service Director, Dr. Eric Tayag, bagama’t patuloy ang expansion ng bakunahan sa mga matatanda kailangan nila ng vaccine teams para sa mga bata.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Kabilang sa mga ipinanawagan ng DOH ay ang mga pediatricians lalo na’t nasa 12 million na mga bata ang target nilang mabakunahan kontra COVID-19.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Target ng pamahalaan na masimulan ang pagbabakuna sa mga bata sa darating na Pebrero.

Inihayag naman ng National Vaccination Operations Center na nakatakda nilang ilabas sa susunod na linggo ang guidelines sa implementasyon ng vaccine rollout para sa mga bata.