14 na miyembro ng BIFF, sumuko sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY — SUMUKO ang 14 na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, CIDG national director, bitbit ng mga sumukong rebelde ang ibat-ibang matataas na baril na kinabibilangan ng anim na 7.62-caliber Barrett sniper rifles, dalawang M1 Garand rifles, isang .50-caliber Barret sniper rifle, isang M16 rifle, isang M79 Grenade launcher, isang Ultimax rifle, tatlong improvised rocket-propelled grenade launchers, dalawang mug bombs, isang improvised 60mm mortar pad,at mga bala.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Dagdag pa ni Ferro, na pawang mga miyembro ng BIFF – Kagui Karialan faction ang mga sumuko na nagsasagawa ng operasyon sa probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao sa ilalim ng pamumuno ni Kumander Gani Saligan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nakatanggap naman ng livelihood packages ang mga sumukong rebelde mula sa Local Government Unit ng Lambayong.