Police entrance examination umaasang matutuloy ngayong buwan ng Marso kahit may banta o panganib ng COVID omicron variant – NAPOLCOM Bicol

LEGAZPI CITY – Nasa Local Government Unit (LGU) pa rin ang kanilang magiging desisyon kung papayagan ng mga ito na magsagawa ng examination.

Ayon kay Josephmar Gil ang Regional Director ng National Police Commission (NAPOLCOM) Bicol, umaasa na matutuloy ang kanilang target na police entrance examination sa buwan ng Marso kahit mayroong banta ng covid 19 at omicron variant.

Aniya, makikipag usap rin ang mga ito sa Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) para humingi ng clearance sa pinaplanong examination sa Marso 26 – 27 2022.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Nilinaw din nito, kapag tumaas o dumami ang kaso ng covid 19 sa Bicol at mailagay sa alert level 4 ay hindi papayagan o kanselado na rin ang examination.

Aabot sa 1400 ang slots para sa limang lalawigan ng Cam norte, Camsur, Albay, Sorsogon at Masbate habang 500 na qouta sa lalawigan ng Catanduanes.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Dagdag pa nito, kailangan lamang na mag abang o maghintay para sa online application scheduling ng entrance examination upang makasama sa fave to face processing sa regional office.

Sinabi ng opisyal, mag aanunsyo rin ang mga ito sa buwan ng Pebrero ng kanilang online application sa oras na ayos na ang system nito.