Maitim at may bukbok na bigas natanggap ng ilang binigyan ng ayuda sa Roxas, Palawan

Dismayado ang ilang residente mula sa Bgy. San Jose , Roxas Palawan matapos na makatanggap na ayudang bigas na may kasamang bukbok.

Ayon sa nagreklamong residente na nakapanayam ng Brigada News FM , December 25 ng tanghali nagkaroon ng distribution ng bigas sa munisipyo.

Read More:  Barangay captain killed in Negros Oriental shooting

Hindi na rin nila niluto ang bigas na natanggap dahil natatakot sila na sumakit ang kanilang tiyan.

Pakiusap nito sa lahat ng mga namamahagi ng tulong o serbisyo na sana ayusin lang upang makasiguro rin silang ligtas ang kanilang natatanggap na ayuda.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Matatandaan , kabilang sa mga munsipyo ng Palawan ang bayan ng Roxas na matinding tinamaan ng bagyong Odette.