‘Philhealth holiday’ sa Enero, hindi na itutuloy – PHAPi

Ipinagpaliban ng mga pribadong ospital ang ikinasang ‘Philhealth holiday’ sa darating na Enero ng susunod na taon.

Ito ang kinumpirma ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi) President Dr. Jose Rene De Grano matapos ang isinagawang pulong kagabi.

Read More:  ICC declares Rodrigo Duterte fit to stand trial

Ayon kay De Grano pinakinggan nila ang kahilingan ng mga pasyente na huwag munang isagawa ang limang araw na ‘Philhealth holiday’.

Paliwanag ng PHAPi President binigyan nila ng konsiderasyon ang apela ng mga pasyente na siya umanong maaapektuhan kapag itinuloy nila ang ‘Philhealth holiday’.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Gayunpaman, binigyan ng mga pribadong ospital ang Philhealth ng isang buwang palugit para ayusin ang mga unpaid claims na siyang ugat kung bakit nagkasa ang mga ito ng protesta.