2021, pinakamatagumpay na panahon laban sa insurgency – AFP, DND

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense na nawalan ng rason ang Communist Party of the Philippines para ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng rebeldeng grupo.

Sinabi ng militar na naging matagumpay ang whole-of-nation approach ng gobyerno sa pagpapababa sa bilang ng mga teroristang grupo ngayong taon.

Read More:  Marcos appoints former DILG chief Benhur Abalos as Cabinet Secretary

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Andres Centino na nakaranas ang CPP ng “irreversible damage” dahil sa nagpapatuloy na tactical at strategical advantages ng mga tropa ng gobyerno laban sa CPP.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Ipinunto ni Centino na nawalan ng rason ang CPP na ipagdiwang ang anibersaryo nito ngayong December 26.

Iginiit ni Centino na ang 2021 na ang pinakamatagumpay na panahon ng militar sa paglaban sa insurgency.