Reklamo sa mataas na presyo ng gasolina sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, nabawasan – DOE

Inihayag ng Department of Energy na kumokonti na ang mga reklamo laban sa overpricing ng langis sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Naniniwala ang DOE na dahil ito sa tumataas na suplay ng langis.

Read More:  Leandro Leviste faces arrest as NBI eyes passport cancellation

Ipinunto ng DOE na kritikal ang suplay ng langis sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Sinabi rin ng ahensya na tinatayang nasa 2,000 litro ng diesel ang na-deliver sa Dinagat Islands, habang nasa tig-20,000 litro naman ng langis na na-supply sa dalawang gasolinahan sa Siargao.

Read More:  Remulla calls Isabela Vice Mayor’s conduct ‘inexcusable’

Umaasa ang DOE na tatagal ng dalawang linggo ang naturang suplay.