Pilipinas, kinumpirma ang 433 na bagong COVID-19 cases

Kinumpirma ng Pilipinas ang 433 na bagong kaso ng COVID-19.

Kasalukuyang nasa mahigit 2.8-million ang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa kabilang na ang 9,376 na aktibong kaso.

Read More:  Marcos urges Filipinos to protect democracy on Ninoy Aquino Day

Naitala rin ng gobyerno ang 137 na bagong fatalities na dahilan ng pag-angat ng death toll sa 51,187.

Makikita rin sa tala ng Department of Health na nasa mahigit 2.7-million na ang recoveries kabilang na ang 369 na bagong gumaling mula sa sakit.

Read More:  VP Sara Duterte files new perjury complaint against Ramil Madriaga

Nagbabala naman ang ilang health experts na posibleng maobserbahan ang surge ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lugar na sinalanda ng bagyong Odette.