Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management na pumalo na sa mahigit P323.25-million ang tinamong pinsala ng agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Inihayag rin ng NDRRMC na umabot sa mahigit P277.10-million ang napaulat na pinsala sa mga imprastraktura.
Nakaranas naman ang 239 na lungsod at munisipalidad ng power interruption, ngunit nasa 34 na ang naibalik.
Patuloy naman nararanasan ang problema ng water supply sa dalawang lugar.
Read More: Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan
Ipinunto rin ng NDRRMC na may problema pa rin sa komunikasyon sa 135 lugar na nasa ilalim ng mga apektadong rehiyon.
