Problema sa komunikasyon at road blockages, nakakapagpatagal sa power restoration – NGCP

Aminado ang National Grid Corporation na natatagalan ang pagpapanumbalik ng kuryente sa ilang lugar na tinamaan ng Bagyong Odette dahil sa ilang mga balakid sa kanilang operasyon.

Sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na kabilang na rito ang masamang panahon, road blockages, kakulangan sa komunikasyon at gasolina, at dahil na rin sa ilang tauhan nito na kasama sa mga sinalanta ng bagyo.

Read More:  Remulla calls Isabela Vice Mayor’s conduct ‘inexcusable’

Ipinunto rin niya na napakaraming linya ng kuryente ang naapektuhan na tinatayang aabot sa 95.

Read More:  DSWD strengthens water, food security efforts amid Super El Niño threat

Ipinaliwanag ni Alabanza na kailanga nilang isa-isahin ito sa pamamagitan ng line patrol o aerial patrol.

Iginiit rin niya na nakakatagal sa kanilang operasyon ang assessment sa naging pinsala.