Monitoring sa firecracker related injury sinimulan na ng PHO

CAMARINES NORTE- Sinimulan na kahapon ng Provincial Health Office (PHO) ng Camarines Norte ang monitoring patungkol sa Aksyon Paputok Injury Reduction o APIR.

Ayon sa PHO sa unang araw ng kanilang monitoring ay wala namang naitalang firecracker related injury sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sinabi ng PHO na kung tutuusin ay bawal na lahat ng firecrackers at pyrotechnic devices sa halip ay hinihikayat na lang ang community fireworks display o sa pamamagitan ng virtual platforms gamit ang ingay ng sound system at mga pailaw.

Read More:  3 Vietnamese arrested over illegal dental practice in Cebu

Pinapaalalahanan din ang publiko na iwasan ang pagamit ng torotot dahil pwede itong maging sanhi ng pagkalat ng COVID- 19 virus sa pamamagitan ng droplets

Ayon naman kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco lagi namang nakahanda ang PHO sakaling mayroong mga mabibiktima ng paputok.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Gayunman, target umano nila na walang maging biktima ng paputok sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Kaugnay nito hinimok ni Francisco ang publiko na huwag nang tangkilikin ang mga paputok sa halip ay gumawa na lamang ng alternatibong pampaingay

Sa datos ng PHO mayroong naitalang isang firecracker related injury sa lalawigan noong nakaraang taon.