PCG, ipaprayoridad ang relief operations sa Dinagat Islands

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard na ipaprayoridad nito ngayon ang disaster relief operations sa Dinagat Islands matapos ang kanilang pagtulong sa Siargao sa Surigao del Norte.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nakarating na sa Siargao ang BRP Sindangan at ang iba pang Philippine Navy vessels noong Lunes para magsagawa ng relief operations sa lugar.

Read More:  Senate committee to investigate Tacloban City school shooting, online gaming platforms

Kasunod nito ay magtutungo sila sa Dinagat Islands, na labis rin ang naging pinsala ng Bagyong Odette.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Matatandaan na sinabi ni Governor Kaka Bag-ao na napinsala ang tinatayang 95% ng buong probinsya.