China, magpapadala ng 20,000 food packages sa mga lugar na sinalanta ng Odette

Inanunsyo ng China na magpapadala ito ng 20,000 food packages na nagkakahalaga ng P8-milyong para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.

Sinabi ng embahada na naglalaman ang bawat package ng five kilograms ng bigas, 10 delata, at 10 noodles.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Ipinunto ng embahada na papunta na ang mga nasabing donasyon sa Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City, at Negros Oriental.

Nangako naman ang China na magpapatuloy ang mas maigting na suporta nito sa disaster relief efforts ng gobyerno at ng mga Pilipino.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Mamahagi rin ang Chinese government ng 4.72-million kilograms ng bigas sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.