6 na bayan at 2 syudad sa Pampanga, meron pang aktibong kaso ng COVID-19

Nasa anim na munisipyo pa at dalawang syudad sa lalawigan ng Pampanga ang nananatiling merong aktibong kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang mga bayan ng Lubao, Minalin, San Simon at San Luis na parehong may tig isang active case.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Dalawa naman ang natitirang aktibong kaso sa bayan ng Arayat, at may tig tatlong aktibong kaso ang syudad ng Mabalacat at San Fernando.

Pinaka marami namang aktibong kaso ang bayan ng Guagua na meron pang walo.

Read More:  NPA member killed in Occidental Mindoro clash as troops recover rifle

Habang nasa 13 munisipyo na sa lalawigan ang zero active case.

Kabilang dito ang Magalang, Floridablanca, Porac, Sasmuan, Sta Rita, Bacolor, Mexico, Sta Ana, Apalit, Candaba, Macabebe, Masantol at Sto Tomas.