Forced evacuation, isinagawa sa Dinagat matapos itaas ang TCWS # 3

Lumikas na ang 6,310 na indibidwal mula sa 1,997 pamilya sa Dinagat Island ng Caraga region matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 dahil sa banta ng pananalasa ng bagyong Odette.

Sinabi ni Governor Arlene Bag-ao na nagsagawa na sila ng forced at preemptive evacuation operation, bago pa nag-landfall ang bagyo sa probinsya.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Mababatid na isa lamang ang Dinagat Islands sa walong lugar na may nakataas na TCWS No. 3.

Read More:  Leandro Leviste faces arrest as NBI eyes passport cancellation

Samantala, inihayag ng gobernador na tatlong araw na rin ang lumipas mula nang masuspindi ang sea travel sa probinsya dahil sa pagtaas ng mga alon.