Palasyo, tiniyak na handa ang gobyerno sa pagdating ng bagyong Odette

Tiniyak ng Malacañang na handa ang gobyerno mula sa pagdating ng Tropical Storm “Rai” oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ginagawa na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang lahat ng kinakailangang preparasyon para siguraduhing magiging ligtas ang publiko mula sa bagyo.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Sinabi rin ni Nograles na nahanda na rin ang resources ng Department of Social Welfare and Development para sa disaster response.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Nakiusap naman ang gobyerno sa lahat ng mga nakatira sa mga apektadong lugar na sumunod sa mga lokal na otoridad sakaling kailanganin ang evacuation.