UK, nagtaas ng COVID alert level sa gitna ng patuloy na paglaganap ng Omicron variant

Itinaas ng Britain ang COVID alert level nito bilang tugon sa mabilis na paglaganap ng Omicron variant ng virus.

Ito ay matapos magbabala ng mga otoridad sa posibilidad ng pagtaas ng hospitalizations sa mga susunod na linggo.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Inirekomenda naman ng chief medical officers ng England, Scotland, Wales, at Northern Ireland na mataasan sa alert level 4 ang COVID-19 restrictions sa bansa mula sa alert level 3 ng 5-point scale nito.

Ibig sabihin ay masyadong mataas ang vrisu transmission na nararanasan ngayon ng Britain.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Ipinunto naman ng medical authorities na base sa ilang ebidensya ay nabawasan ang bisa ng bakuna laban sa symptomatic disease at mas mabilis na kumakalat ang Omicron kaysa sa Delta variant.