Face-to-face class sa mga bakunado lang

SORSOGON CITY – Tanging mga bakunadong estudyante at mga guro lamang ang pinayagan ng DepEd-Sorsogon na lumahok sa limited face to face classes para sa senior high school, ayon ito sa School’s Division Superintendent na si Jose Doncillo.

Pahayag ng opisyal, pinagbasehan nila ang pagsimula ng pagbabakuna sa mga pediatric, edad 12-17 anyos, ayon na rin sa kanilang pakikipag-ugnayan sa LGUs.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang Casiguran Technical Vocational School sa bayan ng Casiguran ang kauna unahang Secondary school sa lalawigan na napahintulutan sa limited face to face classes habang naka binbin pa ang ilang mga paaralan sa lalalawigan na nagsumite rin ng kani kanilang proposal upang makapag sagawa rin ng face to face classes.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang mga ito aniya, ay pinag-aaralan pa ng kanilang hanay.