Ilang LGUs pinagpapaliwanag dahil sa mga nag-expire na COVID-19 vaccines

Pinagpapaliwanag ng National Task Force Against COVID-19 ang ilang mga Local Government Units matapos mapaulat na may ilang mga bakuna ang hindi nagamit at tuluyang nag-expire.

Ayon kay NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa ang mga bakuna ay bahagi ng 1.5 million Astrazeneca vaccine na donasyon sa Pilipinas at dumating noong Oktubre.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Nilinaw naman ni Herbosa na karamihan sa bakuna ay naiturok bago mag-expire subalit may ilang daan na hindi na-gamit bago ang November 30 na expiration date.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

Nakatakda umanong padalhan ng show cause order ang mga lokal na pamahalaan kung saan nasayang ang mga bakuna.

Dapat ipaliwanag ng mga LGUs kung bakit hindi naiturok ang mga COVID-19 vaccines bago mag-expire gayong matagumpay naman itong naibakuna ng ilang mga bayan na nabigyan ng kaparehong batch ng vaccine.