BICOL—Bigong maabot ng Bicol region ang target na bilang ng mga dapat mabakunahan sa ginanap na 3-day Bayanihan Bakunahan national vaccination days.
Base sa partial count na inilabas ng Department of Health (DOH) Bicol, umabot lamang sa 46% ng target na 1,152,952 para sa rehiyon ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa tatlong araw na vaccination. Katumbas ito ng 531,234 na mga indibidwal.
Ito ay sa kabila nang napakadaming nais nang magpabakuna kung saan may ilang vaccination areas na alas 2 pa ng madaling araw nagsisimula ang pila.
Sa lahat ng key areas sa rehiyon, ang lungsod ng Legazpi ang nakapagbakuna ng lagpas pa sa kota matapos na umabot sa 167% ng target ang mga nabakunahan.
Umabot kasi sa 14,869 indibidwal ang nabakunahan mula sa target na 8,888.
Bunsod nito, inaasahang makakamit na ng Legazpi ang target nitong herd immunity ngayong Disyembre.
Sa huling tala, nasa mahigit 65% na ang mga bakunado sa lungsod, ilang porsyento na lamang bago makamit ang 70% target para sa herd immunity.### | slm