Mahigit 1-milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating sa bansa kagabi

Dumating sa bansa kagabi ang 1,078,740 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.

Lumapag ang shipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8 kagabi, sa pamamagitan ng Air Hong Kong flight LD456.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, una pa lang ito sa 3 deliveries para sa mahigit 2.3-million na Pfizer vaccines na binili ng gobyerno sa tulong ng Asian Development Bank.

Umaasa naman ang mga otoridad na darating sa bansa ang mga susunod na shipments sa Huwebes at Sabado.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Mababatid na una nang winelcome ng bansa ang pagdating ng mahigit 1.6-million AstraZeneca COVID-19 shots na galing sa donasyon ng French government.