PDDS, bukas sa lahat ng options, matapos umatras si Go sa prexy race

Bukas ang lahat ng option ang partido na kinabibilangan ni Sen. Bong Go, matapos ang pagbawi ng presidential aspirant sa kanyang kandidatura.

Ayon kay Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) founder Greco Belgica, magpupulong ang grupo para talakayin ang kanilang plano at direksyon para sa nalalapit na halalan. n for the upcoming elections.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Una nang sinabi ni Go na ginagalang rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang withdrawal.

Senegundahan naman ito ni Belgica at inihayag na patuloy ang suporta ng PDDS sa senador.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Mababatid na si Go ay naghain ng kanyang kandidatura sa ilalim ng PDDS, na kaalyado ng PDP-Laban, para umano maiwasan ang legal complications sa gitna ng sigalot sa pagitan ng dalawang paksyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD