5- 11 y/o, target mabakunahan vs COVID sa Jan 2022

Plano ngayon ng national government na simulan ang inoculation sa mga menor de edad na na lima hanggang 11 taong gulang sa Enero sa susunod na taon.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., agad nilang ipapatupad ang plano sa oras na aprubahan na ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization sa mga bakuna para gamitin sa mga bata.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dagdag ni Galvez, target ng gobyerno na matapos ang pediatric vaccination sa unang quarter ng 2022 na akma para sa planong muling pagbubukas ng klase.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga minors na may edad 12 hanggang 17 taong gulang. //MHEL PACIA-TRINIDAD