Kaso ng dengue sa SoCot, binabantayan

KORONADAL CITY — BINABANTAYAN sa ngayon ang posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ng South Cotabato sa susunod na taon. Ito ang inihayag ni South Cotabato Provincial Health Office Dr. Rogelio Aturdido, Jr. sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Ayon kay Aturdido, kailangan umano na ipanatili ang pagsunod sa Search and Destroy, Self-Protection Measures, Seek Early Consultation, at Say No to Indiscriminate Fogging o 4S strategy upang maiwasan ang banta ng dengue.

Nabatid na noong nakaraang tatlong taon, umakyat ang kaso ng dengue kung saan may mga namatay na.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Inihayag ni Aturdido, na kailangang maging maingat ang publiko lalo na at nananatili pa rin ang banta ng Covid-19.