South Korea, nagtala ng bagong COVID-19 daily record

Naiulat ng South Korea ang panibagong record ng bagong COVID-19 cases nitong Huwebes, sa gitna ng pagluluwag ng gobyerno nito sa kanilang measures.

Sinabi ng Korea Disease Control and Prevention Agency na umabot sa 3,292 na katao ang nagpositibo sa COVID-19 noong nakalipas na araw.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Bahagyang mas mataas ito kumpara sa 3,270 na naitala noong huling bahagi ng September.

Mababatid na nag-implementa ang South Korean government ng sarili nitong “living with COVID-19” policy noong November 1, na bumuwag sa mga restriksyon na may kinalaman sa business hours ng mga restaurants at iba pang measures.

Read More:  Hong Kong leader apologizes over deadly Tai Po fire