Rabiya Mateo, personal na humingi ng tawad kay Miss Canada

Personal na humingi ng tawad si Miss Universe Philippine Rabiya Mateo kina Miss Universe Canada Nova Stevens at Miss Universe Thailand Amanda Obdam dahil sa mga natanggap nila na negatibo at racist na komento mula sa mga Filipino fans.

Sa isang press conference ay sinabi ni Rabiya na nagpadala na siya ng mga personal na mensahe sa kaniyang kapwa kandidata upang humingi ng paumanhin.

Iginiit ni Rabiya na hindi nito sinasalamin ang mga tunay na Pilipino.

Read More:  Yeng Constantino gives fans a glimpse of dream house with husband Yan Asuncion

Dagdag niya, mahal talaga nila ang pageants, at sinusuportahan nila ang mga kababaihan.

Ipinunto rin ni Rabiya na walang sinuman ang deserve na mapunta sa pusisyon ni Nova at talagang naawa siya para rito.

Matatandaan na pinost ni Stevens ang screenshots ng mga racist at masasakit na salita na sinabi laban sa kanya ng mga Pilipino, kung saan ay makikita rin ang english translations nito.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Kasama sa mga mababasang komento ng mga Pilipino na naisalin na rin sa english ang mga panlalait tulad ng “nognong (‘N words’),” “katakot (scary),” “akala ko engkanto (‘I thought she was a ghost’),” “over well done ang chicken, charge sa grill man (‘burn chicken’),” “tostadong tostado na nga nasunog pa (‘she is toasted and burned) at iba pa”