Subic nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw

Umabot sa mahigit sa isanlibo ang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan kontra corona virus disease sa bayan ng subic.

Sa loob lamang ng isang araw ay umabot sa 1,647 ang mga nabakunahan nitong nakaraang byernes.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Dati ay aabot lang sa 800 hanggang siyam na raan pataas ang nababakunahan pero ngayon ay marami ng nagpapabakuna.

Nakatulong ang ginagawang paglilibot ng Municipal Health at contact tracer sa mga establisimento dahil nahihikayat ang mga ito na magpabakuna na.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Samantala, dadalasan pa umano ng health office ang pagbisita sa mga establisimento hangga’t may mga empleyado na hindi pa bakunado.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Sleep Disorders w.aaa. www.powercells.ph'