Mga magulang pinayuhang ipatala ang mga anak para sa region-wide catch-up and community based immunization program ng DOH

BICOL—Hinimok ng Department of Health (DOH) Bicol ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak sa Rural Health Unit (RHU) sa kanilang lugar para sa pagsisimula ng immunization activities ng ahensya.

Ito ay matapos ang ginanap na ceremonial launching ng region-wide catch-up routine and community-based Measles, Rubella, Tetanus, and Diphtheria (MR-Td) immunization activities sa lungsod ng Legazpi kahapon.

Pinapayuhan din ang mga magulang na maaari silang makipag-ugnayan sa mga Barangay Health Workers (BHWs) na nagsasagawa ng house-to-house masterlisting of vaccines para mapasama ang kanilang mga anak sa mga babakunahan.

Ayon sa DOH Bicol CHD, libre ang routine and MR-Td vaccines na ibibigay sa mga bata at kabataan bilang proteksyon laban sa mga vaccine-preventable diseases.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ilalim ng catch-up routine immunization activities, target na mabakunahan ang mga batang edad 2–anyos pababa na hindi pa nakatanggap ng kanilang routine vaccines.

Kabilang sa mga bakunang ito ay ang BCG vaccines, hepatitis B vaccines, Pentavalent vaccines, Oral Polio Vaccines (OPV) at Inactivated Polio Vaccines (IPC).

Bibigyan din ang mga bata ng Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV13) at Measles, Mumps, and Rubella (MMR) vaccines.

Sa ilalim ng community-based MR-Td immunization activities babakunahan ang mga batang lalaki at babae edad 6 to 7 years old at 12 to 13 years old ng libreng booster doses ng Measles and Rubella Virus (MR) vaccines at Tetanus and Diphtheria (Td) vaccines.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Tuturukan naman ng Human Papilloma Virus (HPV) vaccines ang mga kabataang babaeng edad 9 to 14 years old sa Masbate Province, Masbate City, Camarines Sur, Naga City, Iriga City, Legazpi City, Ligao City, at Tabaco City salig sa availability ng HPV vaccines.

Kaugnay nito ay inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Resolution No. 141 kung saan nakasaad na exempted sa community quarantine restrictions ang mga sanggol na 2-anyos pababa para sa routine immunization at mga batang edad 6 – 7 anyos at 12 – 13 anyos para sa MR-Td immunization.### || slm