Punong Barangay ng Cambulaga pinabulaanan ang alegasyon na ginagawang palikuran ng kanyang mga residente ang Sorsogon Bay

SORSOGON CITY – Pinabulaanan ni ABC President at Cambulaga Barangay Chairman Maria Theresa Perdigon ang mga sumbong sa Brigada News na ginagawang palikuran ng kanyang mga residente ang Sorsogon bay dahil sa diumano’y kawalan ng palikuran ng mga ito.

Bagama’t aminadong mayroon pa talagang mga household sa kanilang barangay na wala pang mga palikuran, binigyang diin ng opisyal na mayroon na silang mga ginawang hakbang upang tugunan ang nasabing problema.

Ayon dito, mayroon silang mga itinayong common o public toilet na magagamit ng kanilang mga residenteng walang sariling palikuran, bukod pa rito, ay namahagi sila ng mga toilet bowls at mga materyales.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya pa, nakakalungkot lamang umano na sa kanila pa hinihingi ang panggastos sa pagpapagawa ng mga ito, habang ang mga pampublikong palikuran naman ay hindi pinahalagahan at hinayaan na lamang na masira.

Gayunpaman, tiniyak ng opisyal, na patuloy nilang tinututukan partikular ng kanilang Committee on Health ang pagmonitor kaugnay ng nasabing bagay lalo na ang pagmantina ng kalinisan ng nasabing katubigan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa Dept of Health (DOH), ang kawalan ng sarili at maayos o malinis na palikuran ay nakababahala dahil posible itong maging dahilan ng mga sakit katulad ng Polio.

Target ngayon ng DOH na sa taong 2022 ay mawala o matuldukan na ang ‘open defecation’ sa mga rural areas subalit aniya, magiging problema ang budget dito.

Nakapalaman sa Local Government Code of 1991 na obligasyon ng LGUs ang pagbibigay ng pasilidad sa kalinisan at kalusugan.